Monday, March 9, 2009

Creative Juice #004: Final Plate

Hitsura nung isa kong friend pagkatapos magpuyat ng magdamag sa isang plate. How scary!

Ugh! Nakakapagod yung huling plate namen sa Design 4. Grabeh. Hapet na naman. So ayun, pinapasa sya kanina. Hinde ako masyadong na-satisfy sa gawa ko, pero in fairness, na-enjoy ko rin ng onti yung dalawang araw na nagkulong ako sa kwarto para sumubsob sa drafting table. Parang nabunutan ako ng tinik sa huling plate na yun pero ang iniisip ko naman ay yung grade na makukuha ko.

Marami rin akong napagmuni-munian sa dalawang araw na yon. Naalala ko na naman kase yung isa kong kaibigan na nagsabing settled na daw sya sa course nya pero hinde sya ganun ka-passionate sa landas na tinatahak nya. Hmmm... Ganun rin kaya ako?

Kinakailangan kase ng sandamakmak na oras at pag-iisa ang paggawa ng plate. Parang artist ba, zero ang social life at nabubuhay sa sariling mundo, which ayoko namang mangyari sa'kin dahil interaction is a big part of my life.

Napapadasal na lang tuloy ako minsan. Nagtatanong kung ito nga ba ang pinlano Nya para sa buhay ko. Sa sobrang pagod kase minsan, hindi naman sa gusto ko nang sumuko (duh! this is not a singing contest...), napapaisip lang ako if all those time I spend in my plates are really worth spending my life for, and if all those moments I spend alone in my room really matters in the long run.

Sobrang busy kase minsan na halos nakakalimutan ko na yung mga bagay that really matters most in life. Haaay...

No comments:

Post a Comment

What do your active brain cells perceive?