Tuesday, October 19, 2010

Sigh of Campaign 2: A Filipino Post


Image borrowed from cartoonstock.com

Maulan ang umaga. 8am yung schedule namin ngayon but I really need to have time to reflect on things. Nakakapagod sa kampanya kahapon kahit most of the time eh pabalik-balik lang kami ng barangay hall at ng city hall. Andame ku pa rin mukhang hinde kilala at truly marami pa nga akong dapat na matutunan. Panay pa rin ang introduction at walang puknat na kamayan at pag-ngiti. Sa edad at itsura kong to ay wala talagang maniniwala na kagawad ang tinatakbo ko at hinde SK Chairman kaya panay rin ang paliwanag ko.

Nagpakilala kami sa mga teachers kahapon ng Manuel Roxas Highschool and surprisingly ngayon ko lang nalaman na si Mam Janet D ang prinicipal dun. Somehow parang nawala yung kaba ko nung makakita naman ako ng isang familiar na mukha sa crowd.


Turned off ako kahapon dahil parang may namumuong init sa pagitan ng group namin at nung kay Kagawad N accusing us of destroying their campaign tarps. Dito ko nakita yung ibang side ng mga kasama ko na, well, nakakaturn-off talaga at dito ko rin napatunayan kung sino talaga ang mga dapat na dikitan at sino ang kayang mag-handle sa isang sitwasyon ng malumanay at walang halong hinanakit o kagustuhan na gumanti. Sabi ko nga kay A, sadyang ganun, dahil iba’t-iba talaga ang reaksyon ng iba’t-ibang tao sa iba't-ibang uri ng binigay na sitwasyon. Hay. As for me, wala ako sa lugar para magbigay ng kahit na anumang komento (ampf. pero ano itong ginagawa ko?) kaya I better zip it na lang in front of them.


Nakipagdaldalan pa nga ako kagabi kay Nanay. Sabi ko sa kanya palagay ang loob ko kay Tita L. Secretly ay tinitingnan ko sya bilang Nanay ko na din sa process na pinagdadaanan ko. Feeling ko kase naiintindihan niya talaga at ni G ang pinagdadaanan ko bilang isang napakabatang baguhan.


Hay. Sabi ko sa sarili ko, I’ll go with the flow na lang. Kelangan kong namnamin at panindigan ang pinasok ko. I’ll stay true to myself and true to my desires to serve and perhaps that’s a big jump start na sa’kin to fuel up the rest. And of course, hinde ako magpa-function ng maayos kundi dahil sa Kanya. I’ll always see this as a heavenly intervention that was unfolded just in time to prepare myself for bigger tasks in the future. I know I will be equipped; I truly need not to worry. To God be the Glory.

1 comment:

  1. oh my. so now you're in politics. hehe i mean, public service! you surprise me! well, all the best for you noah.:) you will certainly do good. i know. :) oh my. you are well ahead of any other youth your age. kahit ako. i'm so proud of you!:)

    buti despite of all the pressure you still manage to keep posted in your blog. :)

    wishing you all the luck this coming elections!:) i won't call you kagawad yet, baka majinx ko pa. hehe. for now, it's just noah. :)

    ReplyDelete

What do your active brain cells perceive?