Nakagawian na namin ng mga high school dudes ko na mag-get together tuwing patapos na ang taon. Sadly this year, pagkatapos ng mahaba-habang thread at discussion sa groups namin sa Facebook at isang padaan ng gm eh apat lang ang nagrespond. Magkagayunpaman, itinuloy pa rin namin ang isang araw ng maluwalhating pagsasama :) hehe.
|
I was with Andrei and Jerami the whole time sa SM Annex. |
|
I ordered two set of meals for myself dahil sobrang nagutom ako. Suyurin daw ba ang Trinoma, The Block, SM North Main and SM North Annex. Year end sale sa SM kaya andameng clothing stores din ang pinuntahan namin. Nakakapagod pero sabi ko I'm gonna make the most of it by closely looking at each clothing and shops design. Then I remembered a friend na humihingi nga pala ng tulong sa pagpapadesign ng food stall para sa feasibility study nila in business. |
|
Snapshot lang. As an architecture student, kelangan talaga laging bukas ang diwa mo sa mga pang-araw araw na bagay na maaring maging source of inspiration. This time it's that spiral glass staircase clad in neon lights sa SM North Annex. Ito yung nasa top floor katabi ng glass facade overlooking the Sky Garden of the complex. |
|
Hindi kami nakuntento kaya itinuloy namin sa malapit ang saya. Dapat coffee shop ang pupuntahan namin pero dahil choosy yung dalawa at pagkatapos suyurin ang Tomas Morato eh sa Timog kami napadpad. We were later joined by Jonah sa Merci Bar and Restaurant. Hehe. Uminom kami ni Jerami. |
|
Mabilis lang naman kami dun kaya ito lang yung inorder namin - isang bucket ng 6 San Mig Light plus isang plate ng sizzling squid ewan. Maganda naman yung place. Kami lang yung customer. Naka-costume ng Christmas elves yung mga waiters and waitresses. Mas madami pa silang nakatanghod kaysa samin. Bwahaha! |
|
Mukhang ewan lang. Buti hinde kami pinalayas at napagkamalang menor sa hitsura namin. That's Jonah and me. Yung nakasingit na malaking pisngi sa gilid ay kay Andrei. |
|
|
Hindi pa uli nakuntento. At dahil nauna yung inom kesa hapunan we decided to have our late dinner at Mang Inasal sa Tomas Morato. Maganda ang night lights sa commercial district na ito, pero dahil sa magtatapos na ang taon eh mapapansing kakaunti rin lang ang mga customers na kumakain. |
|
|
After our gracious meal at Mang Inasal, we finally decided to call it a night. I am happy dahil na-satisfy naman ang craving ko for small intimate get-togethers. Masarap lumabas dahil nasa pang-araw araw talaga na senaryo ng buhay ang visual nspirasyon. I swear I could do this more often for this coming year.
weee! get-togethers hehe
ReplyDeletesana kame rin magkaroon, halos buong christmas vacation eh nasa bahay lang ako, minsan lang nakakalakwatsa
hehehehe
ui noah, gimik tayo minsan, tga qc ka lang din pala eh
:D
party party to sawa lang o.. hahaha.. happy new year...
ReplyDelete@Aurelius: uu. usap tayu sa fb. hehe. game ako jan. weeee!
ReplyDelete@kikomaxxx: happy new year sayu! yeah!