Image borrowed here |
Talbog ang ingay at hiyawan sa aliw-iw ng mga lumang kanta ng karaoke. Amoy ang ningas sa mga upos ng mga ginamit na sigarilyo. Habang kapwa nakalatag ang aming nagbabagang katawan sa maliit na kabaong na pangdalawahan, dahan-dahan ko syang pinagmasdan. Mataimtim. Matahimik. Mapayapa. Taglay nya ang makamundong pagnanasang kanilang inaasam-asam, kulang na lamang syang paliguan ng mga naglalaway na hayok sa laman.
Maputi, makinis, mala-perlas na kutis. Gandang Filipina at gandang napakarikit. Mariin kong idinampi ang aking mga mata sa hugis at sulok ng kanyang mga mukha. Dama ko ang lumbay sa kabila ng ngiting pilit nyang ipinababakas sa kanyang mga mata.
“H’wag ka nang mahiya. Magka-edad lang tayo. Wala tayong gagawin. Usap lang,” mahinahon kong banggit. Nabatid ko ang waring nalitong tuldok sa kanyang mukha. “Hindi ako katulad nila. Gusto kita. Maganda ka. Pero ayoko. Hindi ako ganito magtrato ng babae.”
“Ha? Mag-uusap lang tayo? Para naman tayong ewan. Sige na,” pagpupumilit nya, nangaakit na humawak sa aking kalamnan, “para naman mataas ang aking kita.”
“Hwops,” tinanggal ko ang kanyang kamay na para bang nanunuway. “Bakit magkano ba?”
“Eight-hundred pesos,” kanya na lamang nasabi.
“O, sige. Basta dito lang tayo. Wala tayong gagawin. Usap lang. Alam mo naman sila. Iniisip nila na makaka-iskor ako. Pero ayoko talaga,” bumakas ang ngiti sa kanyang mga labi.
“May itatanong ka ba? May ideya ka ba kung sino ako? Kung sino kami? At kung saan kami ng nanggaling?”, pagpapatuloy ko.
“May itatanong ka ba? May ideya ka ba kung sino ako? Kung sino kami? At kung saan kami ng nanggaling?”, pagpapatuloy ko.
At doo'y nagsimula ang mahaba-haba naming pag-uusap. Nakahigang nakatitig sa kisame. Nakatitig sa mga mata ng isa’t-isa. Pana-panandaling tumatawa. Nakipagpalitan ako ng panahon sa estrangherong akin lamang kakikilala. Alam kong paglabas ng silid at pag-abot ko ng pera ay matatapos rin ang transaksyong aking binayaran. Pero sumugal ako sa tukso ng kalamnan. Waging lalabas na mulat sa katotohanan ng buhay.
Nalungkot ako sa uri ng mundo na kanyang kinamulatan. Ang gutom na nagtulak upang pumasok sa mundo ng panandaliang saya. Wala akong karapatan na ipamukha pa sa kanya ang sitwasyong unti-unting lumalamon sa kanya. Ang magagawa ko lamang sa ngayon ay manalig sa tabi nya. Makikipagtitigan habang sinasamsam ang nauubos na sandaling kami'y magkasama.
“Nagka-boyfriend ka na ba?,” bigla ko na lamang nabitawan.
“Isa. Pero hindi ko naman sya minahal ng todo. Sa uri ng trabaho ko, bawal magmahal kung saan ibibigay ko ang lahat. Tsaka kung mahal talaga ako ng isang lalake, gagawa sya ng paraan para hindi ko na kailangang gawin ang mga ginagawa ko ngayon.”
Gumapos sa amin ang nakabibinging katahimikan. Sumapit sa aking magmuli ang lungkot na kanina pa bumabalot.
Gumapos sa amin ang nakabibinging katahimikan. Sumapit sa aking magmuli ang lungkot na kanina pa bumabalot.
“Naghihintay ka ba ng katulad niya?”, binasag ko ng ako’y magwika.
“Oo.”
Niyapos nya ako at hinawakan ko ang kanyang kamay.
“Balang araw, makakakita ka rin ng lalakeng
mamahalin ka at igagalang.”
.......
Lumabas kami ng silid ng nakangiti. Nanlililong masigasig at kunong napagod sa pinagsaluhang sandali. Lampas isang oras rin pala kaming nagkulong at nagsunog ng panahon.
“Success!” sigaw nya sa aking mga kasama. Nakangisi na lang kaming nagkatinginan habang nalulunod sa lalim ng mga naghihiyawan. Nagsindi sya ng yosi at inagaw ang mikropono upang kumanta. Nanaig sa akin ang mga sandaling kami’y nagkasama.
Sya ay isang babae, hindi kapiraso ng laman. Tao syang humihinga, nangangarap at may nararamdaman. Napasalamat na lang ako sa langit sa hindi ko pagkakasala. Nawa’y kahit isang saglit namalas niya sa akin ang hinahanap niyang paggalang.
good job, sir!
ReplyDeletediba parang may something sad and tragic pag tinitingnan mong sumasayaw ang mga katulad nila?
good job sir. the world needs more nice people like you. :)
isang napakagandang kwento. maaaring mga kalapating mababa ang lipad sa tawag nila pero sila pa rin ay babae. dapat igalang. dapat irespeto
ReplyDelete@claudiopoi: awww. hay naku. first time ko. pambihira nga eh. todo dasal talaga ako bago ang engkwentrong ito. buti na lang talaga nasa tama akong pag-iisip nung mga panahon na iyan.
ReplyDelete@Kuya Bino: nakakalungkot lang talaga na kailangan nilang pumasok sa ganyan :(((
ReplyDeleteIsa kang tunay at kahangahangang lalaki...!
ReplyDelete@Anonymous: salamat. pero nalulungkot pa rin ako. It is very much frustrating, disappointing and saddening to see all the men you look up to crumble down to pieces. This is truly a great time for me to mentally reorient the role models I used to have a lot of respect to.
ReplyDeleteYou're the man! Kudos bro
ReplyDeletethumbs up to men like you. :)
ReplyDelete@Keaton: Kudos!
ReplyDelete@MC: salamat po sa pagbisita :)
You gave her what she deserved.....---worth. ;-)
ReplyDelete