Sunday, October 31, 2010

Yellow Army


Kagawad boys during the thanksgiving motorcade yesterday. Hehe :) Mag-uundas eh nagawa pang magparty-party. Napuno na naman ng mga naghihiyawang nakadilaw ang kalsada. Bukod sa minor traffic congestion na dinulot namin ay nabalandra ang lifesize tarpaulin shot na kinunan during the proclamation of the victorious candidates who made it. Wahay.

Saturday, October 30, 2010

Undas Holiday


It’s that time of the year again when all are gathered to pay respect to the memories of our loved ones who passed away. Hindi ako nakasama last year sa province pero this time gusto ko talaga pumunta kasi hindi rin naman ako nakauwi nung libing ng Tatay Ito. Hay. Nabawasan na naman kami.



Anyway, yung Undas, bukod sa Christmas ang isa talaga sa mga holiday na inaabangan ko ever since kasi dun lang madalas sa isang taon ko nakikita yung mga kamag-anak namin sa Batangas. Taon-taon yun na naaalala kong masaya kaming nagrereunion, yun nga lang ang twist eh nasa sementeryo kami. Hehe. May food (walang kamatayang adobo) and beverages (tubig) and music (huni ng mga kuliglig at kaluskos ng mga tsinelas ng mga nagdadaang tao). Suma-sideline pa kami nun ng pinsan ko by gathering melted candles and selling them to candle traders na magrerecycle naman ng mga nakalap namin mula sa mga malalamig na puntod. Ayun.



There’s so much to be loved in this silent times. Well, aside from reuniting precious family ties ay gustong-gusto ko kung papaano napupwersa ng isang pagdiriwang na magnilay ang lahat tungkol sa buhay at kamatayan. Kahit na ang maingay na syudad ay nagmimistulang patay sa mga panahong ang nangungunang tema ay ang kampon ng kadiliman (which hindi naman talaga dapat). Segway ng isang devout church official, sinong magulang ang gugustuhing ayusan at bihisan ang kanyang anak upang magmistulang demonyo?. Oo nga naman.



Hay. Masyado na akong naging busy nitong nakaraang linggo. At alam ko na marami-rami pang susunod sa mga nakapila ko nang mga gawain at tungkulin. Nanamnamin ko na ‘to. Masarap rin tumigil paminsan-minsan.

Thursday, October 28, 2010

Subtle Ways

 Image borrowed here

It’s been almost a month since I opened myself to the idea of online dating, signed up for one, and made a perfectly crafted profile in the hopes of meeting that special someone. Mag-iisang month na rin simula nung nakilala ko sya dun sa online dating site. What I like about this person is that mukha naman talaga syang totoo at makatao unlike nung mga previously kong na-meet (sa text or in person) na well, super pretentious at puro yabang lang.

We’ve been exchanging sweet nothings ever since we got hold of each other’s digits as we go about sending each other text messages. Masaya kasi for one month we have built up a good companionship sa text. Hindi kumpleto yung araw ko ng hindi sya kinakamusta sa mga activities niya.

Marami-rami na rin naman kaming napag-usapang makabuluhan sa text. I’ve learned na goal-oriented syang tao which is good kasi alam niya kung anong gusto niyang ma-achieve sa buhay. Sya yung nagbabantay nun sa sister niya na nasa hospital during the first weeks na kinikilala pa lang namin ang isa’t isa (mabait syang kapatid!). At sya din yung nagcomfort sa’kin over the phone during the lowest times of my campaign period when all my frustrations and self-inflicted pressure seemed to take its toll on me. Sobrang na-appreciate ko naman yung mga subtle ways kung saan napapasaya nya talaga ako.

Hay. Yun nga lang lately kasi medyo nagiging tahimik na sya sa pagtetext unlike nung mga una. Ayoko mag-isip ng kung anu-ano na ikasisira lang ng kung anumang nararamdaman ko na para sa kanya. Kaya ayun sinasanay ku na rin yung sarili ko.

I understand na hindi lang sa akin umiikot ang mundo niya and I also understand na meron rin naman syang ibang pinagkakaabalahan. I’m trying my best as well to act as maturely as I can about this matter and simply hold on to the promises we made until the day we finally meet in flesh.

Am I foolish to put my trust on someone I haven’t even met? Siguro. Pero katulad din nung sinabi niya, ‘We gotta take the risks. It would definitely hurt if love fails but avoiding it wouldn’t help either.’ At nangako rin naman ako to take the risk na kasama sya.

Sana lang matuloy-tuloy na yung matagal naming pinaplanong date para maging official na ang lahat. Up til then kasi, mananatiling konsepto lamang ang mga salitang binibitawan namin sa isa’t isa. Sana dumating na kami dun sa puntong nagiging totoo na ang lahat.

Wednesday, October 27, 2010

Victory

 Image retrieved from Google

Tapos na ang election. Tapos na ang isang linggong kalbaryo.Tapos na ang lahat ng pagod at sakit ng ulo sa pangangampanya. At ngayon ay inihahanda ko naman ang sarili ko sa susunod na tatlong taon na paglilingkod at mga responsibilidad na kaakibat ng pagiging isang batang kagawad.

Samu’t sari rin ang reaksyon ng iba’t-ibang mga tao. May mga natutuwa at meron din naming naiinis. Sinong mag-aakala na ang isang disinwebeng isang katulad ko ay sasabit sa posisyon na mismong sa sarili ko ay hindi rin kailanman inasahan. Ano nga ba ang magagawa ng isang katulad kong bata? Ano nga ba ang magagawa ng isang katulad ko na minamaliit lamang ng karamihan sa mga nakakatanda?

Anuman ang sabihin ng isipan kong nagmumuni-muni o sinumang may karapatan na magbigay ng sarili nyang kuru-kuro, nandito na ako sa kinalalagyan ko. At hindi magbabago ang pananaw ko na Sya ang naglagay sa’kin kung nasaan man ako.

Again, I will embrace this opportunity God has given me to work on. I will continue looking straight forward hoping and striving to do the ultimate good despite all my flaws and the seemingly dark dark night I’m about to embark on. I will not be fazed by all the hater’s harsh take on my current pose. And I will always see this as truly another venue to serve Him by serving my people.

I will as long as it is God’s will. To God be the Glory!

Sunday, October 24, 2010

Youth

Image retrieved from Google

"I suppose the older generations have more reasons, or rather excuses, for giving up hope, but for the youth, there is no excuse. “Youth is a time of hope because it looks to the future with a whole range of expectations... the time when decisive choices concerning the rest of our lives come to fruition,” Pope Benedict XVI said in his message to the youth in 2009. For the youth of today, there is a whole range of opportunities waiting if we dare to dream and to hope. The challenge is to dream big, to take a chance, to work hard and then to see it unfold before our eyes in a couple of days, months or years. We cannot give up the fight while we are young since there is so much to be experienced in life if we just work hard to attain our goals."

*******
Quotable quote from Ma. Elena Christina Montemayor, 22, is a 5th year architecture student at the University of the Philippines Diliman, as published in Philippine Daily Inquirer's October 23rd issue of Youngblood column.

Saturday, October 23, 2010

Stillness

Image borrowed here

Humihinga. Napapabuntung-hininga. Nagninilay.

Gabi. Tahimik. Umuulan. Nakahiga sa kama at mataimtim na nag-iisip. Nakatingala sa kisameng unti-unting nagiging kawalan sa paglipad ng diwa. Dinig ang ingay na nanggagaling sa elesi ng bentilador na kanina pa nagsisilibi. Nagninilay tungkol sa mga maiikiling araw na nagtatakda ng kinabukasang nagtatagal ng taon. Naglalaro sa isip ang mga tanong na sa kasalukuya'y hindi naman magkakaroon ng sagot.

Humihinga. Napapabuntung-hininga. Nagninilay.

Thursday, October 21, 2010

It's All Worth It

Images of The Taliesn Mod.Fab retrieved from Google

Wahay. Masaya ako dahil nakausap ko sya sa cellphone kahapon. Na-appreciate ko talaga yung pagtawag nya to share some insights about my surfacing frustrations and breaking points dito sa pagtakbo ko as Kagawad ngayong upcoming Barangay Elections. Na-refresh talaga ako after that long call. Maraming salamat sa'yo :)

Three days na lang at magkakaalaman na ang lahat. I wonder how I'll do. Nandun pa rin talaga kasi yung factor na walang maniwala or bumilib sa kaya kong i-offer dahil I'm only nineteen. I gave all that I could naman. Hay. Tomorrow, may caucus na naman kami to be held at 18 Mother Ignacia, a slum area in our Barangay. Magsasalita na naman sa harap ng maraming tao kaya wish ko lang wag akong atakihin sa puso. It will be our last na naman though, kaya kelangan ko talaga pagbutihin. Again, kelangan lang talaga maging genuine sa mga intentions ko and sa desire ko to serve.


I took a break in the campaigning scene today to give way to a final requirement in Structural Timber Design I've been procrastinating all week. Hopefully, maipasa ko na sya bukas para naman ma-feel ko ang semestral break ko at mas makapag-focus pa sa campaign. I'm glad kasi nagkaron rin naman ako ng time para magnilay ngayong araw kahit medyo masama ang pakiramdam ko. In fact, masarap talaga magnilay kapag nilalagnat. Hehe. Because you have no other choice rin naman to do so.
Three days to go. Two days of campaigning left. I'm sure I can handle that. Hehe. I'll brace myself for what's coming up ahead :) I'm hyped dahil malapit ko nang makita ang resulta ng week-long calvary ko. Hindi ako natatakot dahil alam ko na manalo man o matalo marami rin naman akong natutunan sa experience na'to. It will all be truly worth it.
Thanks for making me realize just that :)

Nosebleed: Another Filipino Post

Haha. Ayoko na magpanggap dahil sa totoo lang dumudugo na rin ilong ko. I find it much more liberating blogging in my own tongue. Kaya from now on, ganun na nga ang gagawin ko para naman yung flow ng ideas and concepts ay hinde mapatid :) Keep the brain juices flowing all blogaloids!

Tuesday, October 19, 2010

Sigh of Campaign 2: A Filipino Post


Image borrowed from cartoonstock.com

Maulan ang umaga. 8am yung schedule namin ngayon but I really need to have time to reflect on things. Nakakapagod sa kampanya kahapon kahit most of the time eh pabalik-balik lang kami ng barangay hall at ng city hall. Andame ku pa rin mukhang hinde kilala at truly marami pa nga akong dapat na matutunan. Panay pa rin ang introduction at walang puknat na kamayan at pag-ngiti. Sa edad at itsura kong to ay wala talagang maniniwala na kagawad ang tinatakbo ko at hinde SK Chairman kaya panay rin ang paliwanag ko.

Nagpakilala kami sa mga teachers kahapon ng Manuel Roxas Highschool and surprisingly ngayon ko lang nalaman na si Mam Janet D ang prinicipal dun. Somehow parang nawala yung kaba ko nung makakita naman ako ng isang familiar na mukha sa crowd.


Turned off ako kahapon dahil parang may namumuong init sa pagitan ng group namin at nung kay Kagawad N accusing us of destroying their campaign tarps. Dito ko nakita yung ibang side ng mga kasama ko na, well, nakakaturn-off talaga at dito ko rin napatunayan kung sino talaga ang mga dapat na dikitan at sino ang kayang mag-handle sa isang sitwasyon ng malumanay at walang halong hinanakit o kagustuhan na gumanti. Sabi ko nga kay A, sadyang ganun, dahil iba’t-iba talaga ang reaksyon ng iba’t-ibang tao sa iba't-ibang uri ng binigay na sitwasyon. Hay. As for me, wala ako sa lugar para magbigay ng kahit na anumang komento (ampf. pero ano itong ginagawa ko?) kaya I better zip it na lang in front of them.


Nakipagdaldalan pa nga ako kagabi kay Nanay. Sabi ko sa kanya palagay ang loob ko kay Tita L. Secretly ay tinitingnan ko sya bilang Nanay ko na din sa process na pinagdadaanan ko. Feeling ko kase naiintindihan niya talaga at ni G ang pinagdadaanan ko bilang isang napakabatang baguhan.


Hay. Sabi ko sa sarili ko, I’ll go with the flow na lang. Kelangan kong namnamin at panindigan ang pinasok ko. I’ll stay true to myself and true to my desires to serve and perhaps that’s a big jump start na sa’kin to fuel up the rest. And of course, hinde ako magpa-function ng maayos kundi dahil sa Kanya. I’ll always see this as a heavenly intervention that was unfolded just in time to prepare myself for bigger tasks in the future. I know I will be equipped; I truly need not to worry. To God be the Glory.

Monday, October 18, 2010

Sigh of Campaign


I am young. I am full of potential. That is, untapped potential.
I won’t struggle no more. I am embracing this challenge, this rare opportunity to serve.
I will do my best and give my best.
To God be the glory. May His will be done.

May his will be done.