Friday, February 6, 2009

Ngarag: My First Filipino Post



There's been a lot of things going on inside my head about blogging in my native tongue. I don't know what's holding me back for so long but today I've finally made up my mind with what language(s) to use. Sure, English is what we consider the lingua franca in the Net, but I'm not going to limit myself with that. I'm proud to be a Filipino and this first Filipino post goes out to all the Filipinoes out there!

*******

Ngarag(n.) - isang urban word na ginagamit ng mga Pilipinong mag-aaral upang ilarawan ang hitsura o kalagayan ng isang taong mukha nang bangag sa sobrang laki ng eyebug dahil sa ilang araw na pagpupuyat para sa isang nalalapit na submission ng kung anuman. Maaring gamitin interchangeably sa terminong cramming o panghahapit.

Ngarag-ngarag na naman ang hitsura ng mga pagmumukha namin kanina dahil sa buong magdamag na paggawa ng Design plate. Grabeh. Sinabayan pa ng ibang subjects kaya hayun, kahit medyo nakahinga na ng maluwag e hindi pa rin tapos ang aming paghihirap.

Ito ang buhay ko bilang isang estudyanteng arki. Medyo sanay na nga eh kaya kahit sinabayan pa ng ulan kanina, go lang ng go. Natatawa lang ako sa kwento ng isang kaibigan ko kung paano nya naranasan ang isa sa mga kahabag-habag na pedeng mangyari habang gumagawa ka ng plate dis-oras ng madaling-araw - ang mawalan ng malay habang nakamulat! Eto yung tipong mulat ang iyong mata at gumagawa ang iyong kamay pero ang isipan mo nagblack-out na. Ang mas masaklap pa dito eh yung biglang pagbalik ng diwa mo para lang malaman na ambaboy na pala ng ipapasa mo bukas.

Tungkol sa Adaptive Reuse yung plate na pinasa namin kanina. Naku! Kung hindi lang yon tungkol sa Bahay-na-Bato eh hindi talaga ako gaganahan. Kulang pa nga yung nagawa ko, pero okey na'ko dun dahil sobrang laki na ng naging improvement ko lalo na sa paggawa ng perspective at pagle-lettering. Hindi na kase mukhang kinayog ng manok yung handwriting ko at to my surprise, eh for the first time, hindi lumabas na mukhang cartoons yung perspective ko. Hopefully, this time hindi ko na makita ang kalunos-lunos na letrang VVPIL (or Very Very Poor In Lettering) ni MamP.

Yung picture sa itaas ang hitsura ng kama ko tuwing at pagkatapos kong gumawa ng plate. Don ko kasi tinatambak ang lahat ng mga kagamitang pede kong gamitin para isang abot-kamay na lang. Nakaclose-up yung headphones dahil bukod sa orasang nasa pader na naging bestfriend ko na sa pagmumura ng nauubos na oras, yung radyo at MP4 ni Ate ang naging kaagapay ko sa buong magdamag na nakasalampak ang aking puwit kaharap ang aking drafting table. Pramis, updated na uli ako sa mga kasalukuyang musika na pinakikinggan ngayon and it only takes two or three nights to realize this after listening to all the songs all over and over again, iba-iba man yan ng station at minsan kahit nasa isang istasyon ka lang makaka-ilang ulit yan bawat oras.

Radiohead daw ang tawag sa'yo kapag mas adik ka sa radyo kesa ibang uri ng media. Insomniac naman kapag gising at namumuhay ka sa gabi. Parehas yata ako nito, pero hindi rin kase tuwing "Ngaragan Nights" lang naman ako nagkakaganito.

Ngarag. 'Yan na naman 'yang salitang iyan. Kung pede lang gawing philosophy 'yan ay siguradong magiging magandang ehemplo ang aking academic life. Hay naku...

8 comments:

What do your active brain cells perceive?