Sige lang sa pag-exploit ng mga personal pictures sa Web.
Iba na talaga ang nagagawa ng unlimited company broadband. Haha. Madaling araw na (Harujusko. may pasok pa bukas) at sige pa rin ang blog-hoppin' ko sa Pinoy blogosphere. Nag-eenjoy naman ako ng bonggang-bongga sa pagbabasa ng mga kalokohan at may sense na mga blogs at heto't sinusubukang magsulat (inggitero talaga kahit kailan) gamit ang lenggwaheng natumbok ng mga eyeballs ko.
Siguro sa susunod eh gagawa ako ng list ng best Pinoy blogs na aking inii-stalk lately. Nagtatanong pa rin ako sa kawalan kung papaanong sa maikling panahon eh nagagawa ng ilan na manghakot ng mga readers and followers ng walang kaeffort-effort. Kumpara sa aking apat na taon ng dumadaldal at dumudugo ang ilong sa pagpapanggap na mag-Ingles at heto't iisang dosena pa rin ang nakabuntot. Nyahay. Kulang lang siguro ako sa pagpiga ng sabaw ng utak. Chos lang.
Anyway. I better go. Bibingo na naman ang mga pores ng mukha ko sa kanilang exponential pimple production. Hay. Sa darating na pasko ay wala na talaga akong ibang mahihiling pa kay Santa kundi ang isang makinis at pang-commercial na complexion ng mukha. Yung parang kay Papa Piolo.
No comments:
Post a Comment
What do your active brain cells perceive?