Saturday, November 6, 2010

Perspective



It’s all a matter of perspective. Bagay na dapat ay matagal ko nang napagtanto bilang isang architecture student. Isang eureka moment na naman ang aking naranasan kanina habang nakaupo sa tronong puti.



I am presented here with great opportunities and yet I’m holding myself back for an alternate choice na alam kong hindi rin naman maganda ang patutunguhan. Sa mga bibig na rin naman niya nanggaling na sa ngayo’y ayusin ko muna ang lahat habang may panahon pa and choose to mess up na lang kapag may karapatan na akong sumablay.



Today is a new day. Pakakawalan ko na muna sya dahil sa totoo lang ay ako lang naman ang ayaw bumitaw. I have got to shift my focal point at once if I really wanted to succeed in all the things I do. Pasukan na namin sa Monday. Nalalapit na rin ang turnover sa December. Kelangan ko na talagang magseryoso sa buhay ko.



Tatlong semester na lang at gagraduate na ako. Tatlong taon pa sa public service ang gagampanan ko. Hindi umuurong ang panahon. I’ll go with the flow and keep my head in the game.

No comments:

Post a Comment

What do your active brain cells perceive?