Image borrowed here |
May meeting na naman kami sa konseho mamaya. Pang-apat na linggo na ito pero nananatili pa rin akong nangangapa. Hindi maiwasang kumulubot ang aking nguso sa panglaw na aking nadarama kapag iniisip ko ang aking katungkulan. Sa lahat ng aspeto ng buhay ko ngayon ay dito lang talaga ako palaging natatanga...
Naalala ko nung isang gabi na naka-chat ko si Feisty Feline. Ayus ang usap namin ng walang anu't-anong kinamusta niya yung konseho. Pagkatapos nun ay namalayan ko na lang na bumilis ang pag-takatak ng mga tunog sa keyboard ng laptop. Nagra-rant na naman ako sa kanya. Sya lang ang tanging may kakayahan na ilabas ang aking tunay na nararamdaman.
Katapusan nung Disyembre nang matanggap ko ang aming unang katas. Nalungkot ako na ganun na lang kabilis dumating ang salapi sa aking mga palad. Nagnilay ng malalim kung karapat-dapat ko nga ba tanggapin ang ganoong halaga. Nagtatanong kung may nagawa na nga ba akong tunay na serbisyo para sa aking bayan.
Hindi magmamaliw ang aking paniniwala na si Lordy ang naglagay sa kung san man ako nakatungtong ngayun. Pero ngayong nandito na ako sa harapan ng laban, bakit ako natatanga? Paano ako maglilingkod ng may diwang nabahiran ng putik ng pulitika? Paano kikilos sa gera ng mga salitang umaaliw sa nagbibingi-bingihang taynga? Paano lalaban sa gitna ng mga mapanlinlang na pagpapakahuluganng nagkukubli sa likod ng matatamis na mga ngiti't dila?
Nalalapit na naman ang katapusan. Mararamdaman ko na naman ang pamilyar na panlulumong lumulukob sa aking pagkatao't isipan... Kailan kaya mababasag ang aking pagkatanga?
when God closes the door, He opens the window :)
ReplyDeleteparekoy, maging totoo ka lang sa sarili mo.. un lang para sakin..
ReplyDeletekaya mo yan parekoy... ccchhheerrrzzz
make the most of whatever you have. make the most of wherever you are.
ReplyDeleteoo tama magpakatotoo ka nga. wag papadala sa mga nakapaligid sayo. :D
ReplyDeleteang tinutukoy mo ba dito eh ang pagiging SK chos?anyway..tip lang kapatid gawa lang ng gawa ng project kahit na nga kinopya nyo lang yung sa mga nakaraang administration o kahit na sa kabilang baranggay di naman nasusukat sa dami ng nagawa yung galing mo bilang public servant eh nasa puso mo yan sa pagsisilbi sa inyong baranggay..=)
ReplyDeletekaya yan parekoi.... di pa huli ang lahat--kung naiisip na parang wala kang nagagawa, panahon na para may kumilos at gumawa... God bless you parekoi..
ReplyDeleteano ba itong konseho? anong meron dito? at sino ang mga kasama sa konseho? hehehee
ReplyDeleteweee... just be your self chong.. ako nga kahit napapagsabihang tanga.. but i lived by that character.. wahehhe no connect... kaya mo yan
ReplyDeletei hate politics... but politics hunts me... hahahah
ReplyDeletejust be careful.... dahan dahan lng...what i mean is... wag sugod ng sugod... learn how to play
i hate politics... but politics hunts me... hahahah
ReplyDeletejust be careful.... dahan dahan lng...what i mean is... wag sugod ng sugod... learn how to play
Tama si uno. Just be thankful with what u have right now, but it doesn't mean u shouldn't go for gold. :)
ReplyDeletedi ka naman talaga tanga, nagtatanga tangahan kalang.
ReplyDeletefollow my blog here:
http://arandomshit.blogspot.com/
@Bino: awww. but i'm not quite sure where does that saying apply. ahehe.
ReplyDeletejok :)
@Istambay and Kyle: thanks mga bro. ahahay. sinasabi ko na nga ba't kakailanganin ko rin ng honeymoon period na yan.
@Abou: salamat sa reminder bro. i'll take note of that. hinde na lang ako mag-iinarte at kakaririn ko na lang.
@superjaid: huwaw. straight from the heart? hihi. isa lang ang masasabi ko. hinde po ako SK :)
ReplyDelete@Inong: panahon na para kumilos! agh! 'nowitzki, wag ka na lang mag-inarte!'
@Xander: nakakalito ba? ahaha. tingnan sa konteksto kung ano ang ibig kong ipakahulugan :)
@Kikz: ryt! kaya ko to!!!
@uno: tama. learn how to play :)
ReplyDelete@Will: ahehe. ryt. kelangan ko na talaga ng sampal para magising sa pag-iinarte ko :)
@DENASE: ouch. masakit pero tama :) ito na yung sampal na kailangan ko. ahaha. salamat bro :)
do whatever your heart tells you to..... just play on even if you think you're wrong.,
ReplyDeletejust play on....
:)
@Theo: thanks tsong. parang sa pagkanta lang sa choir ba yang tinutukoy mo? ahaha. kanta lang kahit sintunado? XD
ReplyDeletemaybe you can slow down a bit. vienna waits for you.
ReplyDeletethat reminds me of The Fray's Vienna.
ReplyDeleteahaha.
'So this is your maverick. and this is vienna...'
thanks citybuoy :)
Oh crap. I just shit my pants. I love that song.
ReplyDeleteAnd not that I'm old or anything but I was actually making a Billy Joel reference. lol listen to it here. It helped me through a lot of tough things.
oh yeah! Billy Joel's Vienna! ahaha.
ReplyDeletei think i just shit my pants too :)
i haven't listened to this song for a while :) naku. salamat for sharing :) much appreciated. hehe.