Friday, January 14, 2011

Torpe No More

Image retrieved from Google

Dalawa lang kami nun sa loob ng silid. Isang ordinaryong araw na kasama sya. Nag-usap kami ng mga iniisip namin ukol sa eskwela. At habang dumadaldal sya ay napansin ko ang nakabukas niyang bag na naglalahad ng isang sketchpad. Binuksan ko iyon (pakialamero). Walang masyadong laman. Isang pahina lang ang may guhit at mangilan-ngilan ang may mga aralin sa isang subject.

Tuloy lang ang kanyang pagsasalita at gayon rin naman ang aking pakikinig. Ngunit ng ilipat ko sa sumunod na pahina ay kumislap ang aking mga mata. Tumigil ang aking mundo at waring naging bingi sa anumang uri ng ingay at aliw-iw sa kapaligiran. Aking napagtanto - isang blangkong pahina; isang bagong pag-asa. Tumibok muli ang aking puso. Nagpaunlak sa pagkakataon na ipinapangako ng panibagong simula.

Nang bumalik ang aking diwa, kumuha ako ng lapis at unti-unting iginuhit ang kanyang mukha. ‘Ayusin mo yang itsura ko ah,’ natigilan; yung lang ang nasabi niya. Sumunod naman ako sa kanyang bukambibig. Dahan-dahan ay binuo ko ang kanyang imahe - ang kanyang salamin, ang ngiti, ang buhok, ang suot na damit. Bawat diin, bawat linya, bawat bura ay kakaibang pagtangi ang ibinuhos ko sa pagguhit sa kanya. Nang matapos ako ay namalayan kong iba na pala ang kanyang inaasikaso. Windang na tinatapos ang isang homework sa engineering subject.

Pumikit saglit, bumalik ako sa aking pagninilay. Pinagmasdan ang obra. At napansing nag-iisa lang sya. Gumalaw ng kusa ang aking mga kamay. Dahan-dahang bumuo ng isang imaheng pamilyar katabi nung nauna. Pamilyar na ngiti, pamilyar na buhok, pamilyar na damit – waring isang salamin ng aking anyo’t itsura. Dalawa na sila ngayon. Magkahawak ng kamay at masaya.

Pagkatapos pirmahan ang obra, mabilis na isinara ko ang sketchpad at aligagang ibinalik sa bag niya. Busy pa rin sya sa pagsolve at pagdutdot ng calculator. Ano kayang sasabihin niya kapag nakita nyang hinde lang pala sya sa larawa'y nag-iisa? Ano kayang magiging reaksyon niya kapag napansing hawak ang kanyang kamay, ako pala ang nasa tabi nya?

11 comments:

  1. yes. umii-style :) balitaan mo kami kung ano ang sususnod na kabanata

    ReplyDelete
  2. yun o! abangan ko susunod ha hehehehe

    ReplyDelete
  3. wow naman kakilig-kilig.hehehe hay. namimiss ko mga moments na ganito. ayiiii!

    ReplyDelete
  4. naq naiinlove na si n0ah, wahahaha binata na you, magiging "in a relationship" na you, pero me'y singgol paren, ehehehe,

    good luck sa you parekoy!

    ;D

    ReplyDelete
  5. eeik.. nakakakilig super sweet.. wahehehe

    ReplyDelete
  6. @sir mots and Bino: ayee! sige po. i'll keep you posted sa mga susunod na mangyayare. yun ay kung meron pa ngang susunod na mangyayare... ahaha.

    ReplyDelete
  7. @Kyle: uu. para lang may butterflies in your stomach. kalandi! hihihi~

    @Theo: huwat? ahaha. malabo at malayo pa siguro yang 'in a relationship' na iyan. until then, i will always remain the binatang singgol that I am... hehe.

    @Kikz: sweet nga. ahaha. hinde ko pa rin lam kung panu niya na-perceive yung ginawa ko... hmmm... let's see wot happens next :)

    ReplyDelete
  8. ang swwiiittt! hehe good luck bro

    ReplyDelete
  9. simple dumiskarte hehehe.. bali-balita sa susunod ha parekoy

    ReplyDelete
  10. Kinikilig naman ako! hehehe.. pero alam mo, if you're good at drawing, madaling mafo fall ang girl sayo..

    also, you nshould always make her laugh. it's the first step to make her fall..

    saka more confidence ha! but not too much. ayaw mo naman maging presko. hehe..

    good luck kapatid! sana masungkit mo ang pag-ibig nya. aabangan ko ang kasunod. :D

    ReplyDelete
  11. @sir nielz: ahehe :) tsalamat tsip!

    ReplyDelete

What do your active brain cells perceive?