Parang araw ng paghuhukom kanina nung tanungin ni Prof B kung natapos ba ng klase ang mahabang listahan ng Design Schemes na binigay niya lang nung isang araw. Wala namang makasagot at gustong maunang magpresent kaya idinaan na lang sa kamay ng tadhana. Nagbunutan na lang kami at kung di ka naman ba saksakan ng swerte at ang yours truly pa ang nakabunot ng ‘number 1’ na magpepresent.
Kumulo ang tiyan ng mga groupmates ko sa kaba at ako nama’y napadasal na lamang ng taimtim sa kung anong mga sasabihin ni Prof sa preliminary stages ng ideas namin para sa project.
Lumipas ang mahabang paghuhukom kung saan nakatanghod ang buong klase sa gawa namin at wala man lang akong narinig ni isang salita ng dagok sa aming puri dahil sa aming likha. Hay grabe. Abot langit ang pasasalamat ko dahil anghel sa pagki-critic si Prof. Kaiba sa mga nauna ko noong mga Design professors na nila-lambast ang iyong buong pagkatao.
Bad news is marami pang dapat i-revise lalo na ang mismong Master Site Development Proposal namin na “mukhang hindi pinag-isipan.” Natawa na lang kami dahil ito pa naman ang pinakamahalaga.
Good news ay sobrang nagandahan si Prof sa powerpoint presentation (very important ito when presenting your ideas to prospective clients) na ginawa ng yours truly (applause! Yehey!) that he even told the rest of the class to get a copy from our slides para tularan nila ng bonggang-bongga. Na-flatter naman ako dahil yun ang pinaghirapan ko nung isang gabi. To think na gawin nyang standard ang gawa ko at ipagdikdikan sa ibang grupo na dapat ganun din ang hitsura and manner ng presentations nila ay isang malaking kaluguran sa aking part.
Enjoy ako dahil bisi-bisihan na uli kami sa Design. Kailangan na talagang career-in ang lahat ng mga ginagawa if I am that determined to make it to my thesis next semester. At maraming-marami pang dapat ayusin at iimprove sa part ko bilang isang architecture student. I’ll make the best out of this semester. Ooh, am so fired up!
you must be fired up.
ReplyDeleteang sarap naman maging katulad mo.
im lucky to be in the industry and to work with a lot of people with the same profession you will be in the future.
galingan mo pa ang study mo.
@diamond r: salamat :) hehe. am so fired up nga. gagalingan ko po. haha. kahit sobrang nakakapagod minsan :) everthing will be worth in the future.
ReplyDeletemagbubunga rin ang lahat ng ating paghihirap :)