Monday, February 28, 2011

Paralisado

(Photo credit here)

Ilang linggo na rin syang nakatanga. Pilit na ibinabaling ang atensyon sa mga walang kabuluhang mga gawain. Umiiwas sa mga responsibilidad. Nayayamot. Natatakot. Naiinis. Nangangapa. Nalilito. Nagagalit sa sarili. Naghahanap ng gamot, ng kahit anong lunas na papawi sa mga bumabagabag na hilakbot.

Ganito ang pakiramdam ng may mabigat na dinadala. Magigising kang tulala na para bang walang inaalala. Matutulog nang tulala na punumpuno ng pagkadismaya. Magtatanong kung saan nagkamali. At lilingon kung saan nadapa para lang makita ang malagim na katotohanang wala ka nang magawa.

Hindi titigil ang mundo kasabay ng pagtigil mo. Luluha kang nakatanghod habang pinagmamasdan ang panahong nagmamadali sa pagtakbo. Haharap sa salamin at magtataka sa kakambal na estranghero. Magagalit, sisigaw sa harap ng basag na imaheng mapanlilo. Saan na nga ba napunta ang liwanag sa iyong mga mata? Anumang pilit ngumiti ay hindi maikukubli ang pait na iniinda.

Hangga’t hindi ko inaaming ako’y may sakit ay patuloy akong mabubulok. Patuloy na kakainin ng sakit na matagal nang nananalaytay sa aking diwa. Sa aking mga buto’t laman. Sa bawat sulok ng aking katawan.

*******

It all has gone too far. I have many issues. I need some counseling – my first ever counseling.

12 comments:

  1. aw. parang lately ang lungkot lungkot mo kahit sa comments mo sa akin e.

    ilang beses ko narin yan naranasan. ang hirap talaga kapag walang kausap. ang hirap kapag kailangan mo ng tulong tapos wala kang mahagilap. ang hirap itayo ang sarili kapag mag-isa ka.

    dito lang kami. sabihin mo lang kung kailangan mo ng kausap...

    smile na. :)

    ReplyDelete
  2. problem mooo??? halaaaa.... ilabas mo lang yan.. sana nga ilabas mo lang yan... :(

    ReplyDelete
  3. tama si kyle. ang lungkot ah. basta ang masasabi ka lang, never lose faith in Him. yun lang :)

    ReplyDelete
  4. while we have our friends, also consider going to a professional kung mabigat talaga. kung meron sa school ninyo punta ka dun. from my experience, sobrang nakatulong.

    ReplyDelete
  5. oo nga mas mabuting ilabas lahat,,,..

    ReplyDelete
  6. inhale exhale...

    ok if you need to cry... cry kung makakbuti at makakagaan un...

    hindi mo man sabihin na may problem ka... it show...

    kaya yan chong

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. nice play words huh. aus lang yan..sna maaus mo iyong prob mo. pero un nga nice play of words! hehhee

    ReplyDelete
  9. sabi nga nila "Write what you're feeling! When you have bad thoughts and feelings repeating in your
    head, writing it down can provide relief." so write lang ng write to relief what u feel :D

    ReplyDelete
  10. may ibubuhos ka no...

    parang ung post ko dati na kawalan..

    sa mga ganitong pagkakataon.. subukan natin huminto sandali.. mag isip, magpasalamat at humingi ng kapayapaan ng isip sa KANYA.. oo sa KANYA

    pero dapat hindi na dapat pa nating hintayin ang pagkakataong ganito.. sa umpisa pa lang ng paghakbang ng paa tungo sa mahabang paglalakbay, isama sa ating isipan at puso ang DIYOS na syang lakas at gabay sa ano mang maaring balakid sa ating daraanan.. :)

    Pray parekoy.. higit sa lahat. :)

    ReplyDelete
  11. what's wrong parekoy???
    care to share, alam mo naman number q db, text me if you need someone to talk to...

    :)

    ReplyDelete

What do your active brain cells perceive?