Saturday, October 30, 2010

Undas Holiday


It’s that time of the year again when all are gathered to pay respect to the memories of our loved ones who passed away. Hindi ako nakasama last year sa province pero this time gusto ko talaga pumunta kasi hindi rin naman ako nakauwi nung libing ng Tatay Ito. Hay. Nabawasan na naman kami.



Anyway, yung Undas, bukod sa Christmas ang isa talaga sa mga holiday na inaabangan ko ever since kasi dun lang madalas sa isang taon ko nakikita yung mga kamag-anak namin sa Batangas. Taon-taon yun na naaalala kong masaya kaming nagrereunion, yun nga lang ang twist eh nasa sementeryo kami. Hehe. May food (walang kamatayang adobo) and beverages (tubig) and music (huni ng mga kuliglig at kaluskos ng mga tsinelas ng mga nagdadaang tao). Suma-sideline pa kami nun ng pinsan ko by gathering melted candles and selling them to candle traders na magrerecycle naman ng mga nakalap namin mula sa mga malalamig na puntod. Ayun.



There’s so much to be loved in this silent times. Well, aside from reuniting precious family ties ay gustong-gusto ko kung papaano napupwersa ng isang pagdiriwang na magnilay ang lahat tungkol sa buhay at kamatayan. Kahit na ang maingay na syudad ay nagmimistulang patay sa mga panahong ang nangungunang tema ay ang kampon ng kadiliman (which hindi naman talaga dapat). Segway ng isang devout church official, sinong magulang ang gugustuhing ayusan at bihisan ang kanyang anak upang magmistulang demonyo?. Oo nga naman.



Hay. Masyado na akong naging busy nitong nakaraang linggo. At alam ko na marami-rami pang susunod sa mga nakapila ko nang mga gawain at tungkulin. Nanamnamin ko na ‘to. Masarap rin tumigil paminsan-minsan.

No comments:

Post a Comment

What do your active brain cells perceive?