Image retrieved from Google
Tapos na ang election. Tapos na ang isang linggong kalbaryo.Tapos na ang lahat ng pagod at sakit ng ulo sa pangangampanya. At ngayon ay inihahanda ko naman ang sarili ko sa susunod na tatlong taon na paglilingkod at mga responsibilidad na kaakibat ng pagiging isang batang kagawad.
Samu’t sari rin ang reaksyon ng iba’t-ibang mga tao. May mga natutuwa at meron din naming naiinis. Sinong mag-aakala na ang isang disinwebeng isang katulad ko ay sasabit sa posisyon na mismong sa sarili ko ay hindi rin kailanman inasahan. Ano nga ba ang magagawa ng isang katulad kong bata? Ano nga ba ang magagawa ng isang katulad ko na minamaliit lamang ng karamihan sa mga nakakatanda?
Anuman ang sabihin ng isipan kong nagmumuni-muni o sinumang may karapatan na magbigay ng sarili nyang kuru-kuro, nandito na ako sa kinalalagyan ko. At hindi magbabago ang pananaw ko na Sya ang naglagay sa’kin kung nasaan man ako.
Again, I will embrace this opportunity God has given me to work on. I will continue looking straight forward hoping and striving to do the ultimate good despite all my flaws and the seemingly dark dark night I’m about to embark on. I will not be fazed by all the hater’s harsh take on my current pose. And I will always see this as truly another venue to serve Him by serving my people.
I will as long as it is God’s will. To God be the Glory!
No comments:
Post a Comment
What do your active brain cells perceive?