Image retrieved from Google
Sa wakas. Na-meet ko na sya :) Masaya ako kasi pumayag sya kahit medyo biglaan yung pagyaya ko ng first meet-up namin. Hindi naman sa pagmamadali pero naisip ko kasi na kung hindi ngayon na medyo hindi pa busy sa school eh kailan? Yun nga lang nabitin talaga ako kasi kelangan na niyang umuwi ng 12p. Hay. I would love to spend a day na kasama lang sya.
Daldalan kami while eating breakfast talking randomly about sa work niya and about further plans in the future sa field na gusto niyang ipursue. I shared my views too about my field and how I’m not making plans at all and just going with the flow. In fairness, makabuluhan naman ang naging usapan namin. Casual talk lang talaga. Malaman ang mga sinasabi niya which talagang nagustuhan ko. Siguro sakto lang yung ganun for a first date. Hindi kami dumako sa usapang pag-ibig though I wish I could have been more courageous in opening up the topic.
But now that we’ve seen each other in the flesh eh kinakabahan naman ako. Masaya ako dahil alam ko ngayon na hindi na lang sya isang konsepto; na isa syang totoong tao na humihinga, nabubuhay at nangangarap na katulad ko. But now I’m being bugged with countless questions that I think is normal when you put yourself out there in the dating scene. (Actually, sya pa lang ang kauna-unahan kong naka-date ever).
Lalo akong mas naging interesado sa kanya after this meet-up and I would love to know as much and as intimately as I can tungkol sa kanya. I am hoping na sya na yung tao na sasalo ng lahat ng pagmamahal ko. Somebody I could focus my love on and share my whole world with.
Sana rin we’re on the same page. Ayoko mag-assume katulad nung dati para hindi na ako masaktan.
Hay. Sana magreply sya sa mga messages ko.
Wow. Happy for you. :)
ReplyDelete